ME, MYSELF and I

Okay! Me, Myself and I. Ako si Binibining Blogger. Bakit? Hindi ko alam. Habang nagiisip kasi ako ng pangalan ng blog na gagawin ko ay iyon ang biglang pumasok sa isip ko. Kaya agad-agad kong in-enter yung name na Binibining Blogger. At kaboom, walang may gamit ng ganun blog name kaya dina ako nahirapan.

Binibining Blogger | 28 | OFW

Wow! Hindi ko alam kung anong edad ko. Gumamit pa ako ng calculator. Promise! Mamatay man. I am not aware of my age. Mag 29 na pala ako this year. I am a Dragon. Ang pinaka-swerte at ang makapangyarihan sa Chinese Zodiac. Ayoko maniwala. Hahahah! Pero alam ko swerte ako. Swerte ako sa Business.  Proven. 

I am a Leo. Pinanganak ako sa buwan ng Agosto. Leo’s problem become everyone’s problem. Hahaha! Totoo. Proven. Maraming beses ko na napatunayan. Don’t mess with Leo. Hahaha. Hindi kita tinatakot, pero totoo. (Charot) 😂

Magli-lima taon na akong OFW. Pero wala pa akong ipon. Yung kinikita ko dito sa abroad sapat lang pambuhay sa pamilya na nasa Pinas. Sana nga hindi na lang ako umalis. Pareho lang din naman ata ang kikitain ko sa Pilipinas. Ang problema ko lang kase hindi ako nakatapos ng pag-aaral ko. Ayun. Pero hindi naman ako naging pabigat. Tambay at kung ano pa man. Nagwowork naman ako kahit hindi ako nakatapos.

Unang trabaho ko Saleslady sa SM. Syempre conrtractual lang. Alam nyo na 5mos contract. Endo na. Hahahah! Nabakante ako. Kaya nag-helper ako dun sa kapitbahay namin na may Restaurant. Saglit lang yun. Para lang hindi ako maging tambay at pabigat. Tapos apply uli. Promodizer naman. Sa SM Appliance Center. Camera ang binebenta ko. Eh medyo laos na yung Brand na hawak ko. Lakas ng kalaban ko eh! Canon,GE, Polaroid at Sony. Ano laban ko? Ganun pa man at sa awa ng dyos natapos ko pa rin.

Tapos ayun! Nagbudbod ng blessings si Papa “G”. Sinuwerte akong makaalis at makapag trabaho sa abroad. Akala ko tapos na. Pero mahirap pala. Naiiyak na ako. Gusto ko na umuwi. Pero pinakalma ko sarili ko. Sabi ko kay sarili: ” Gaga, ang dami kaya gusto umalis para makapagtrabaho sa abroad, maswerte ka at isa ka sa pinalad. Hindi ka pa pwede umuwi na wala ka man lang kahit singko sa wallet mo. Ano iu-uwi mo? Itlog?” Kaya ayun nagtiis ako ng ilang taon. Kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako. Pero uuwi na ako. Ayoko na. Hahahaha

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: