#PERSONAL: HAPPY SUNDAY!

Hello!

It’s been a while crocodile 😊😊😊

Ilang days akong hindi nakapagbukas ng blog ko and I found out that there are some who likes my blog. Thanks! Hahaha. Seriously, thanks sana mabasa nila ‘to.

Medyo naadik kasi ako sa games. Naaagaw yung attention ko sa pagsusulat at sa paglalaro. And I hate myself for that. Nawawala yung focus ko. Naiinis ako.

Natutuwa ako dun sa Photo na ginawa ko sa blog ko. Ang cute lang. Alam  mo ba ‘yan limang ibon na yan (ibon or manok basta yun na yun…wag kayong ano πŸ˜‚) parang kami yan ng pamilya ko. Si Daddy, Nanay, Ako at yung dalawa kong nakakabatang kapatid. Naalala ko kasi kapag Sunday, family day daw yun. Sabi nila. Feeling ko kasi araw-araw naman family day. Parang mas ginawa lang na special kapag sunday kasi kasama si Papa G and yan yung time para mamasyal, manood ng sine or kumain sa labas.

Sa amin kasi, basta nakapag simba na kami. Didiretso naman sa palengke si daddy or si nanay para bumili ng lulutuin. Special din kasi yan yung araw na magluluto si daddy ng masarap na pagkain para sa amin. Tapos sabay-sabay kami kakain. Hindi kasi namin nakagawian na mamasyal, kumain sa labas or kahit ano na tulad na ginagawa ng ibang pamilya.

Yung kinikita kasi noon ni Daddy or ni Nanay sapat lang talaga para sa amin. Tapos, kahit ano pa yung nakahain sa hapag-kainan yun ang pinagsasaluhan namin. Walang reklamo. Walang angal. Takot kami kay daddy.

Kapag nagsisimba naman kami, minsan hindi ko alam kung ano yung ipagdadasal ko. Kasi sa araw-araw na ginawa ng dyos palagi naman ako nagdadasal. Kaya pagdating ng linggo wala na ata ako madadasal. Naubos na.

Ito seryoso. Natutunan ko kasi ito noong Elementary ako mula doon Religious Teacher namin. Sa Public School ako nagaral, so once a week ata nagpupunta sa school yung Religious Teacher namin. Marami syang tinuturo syempre about sa religion namin which is Catholic. Pero sa dami ng tinuturo nya minsan hindi ko na matandaan. Pero may isa akong natutunan sa kanya. Sabi nya bago daw kami magdasal kailangan muna namin mangumpisal at humingi ng kapatawaran sa itaas sa lahat lahat ng mga kasalanan namin. Kasi kung magdadasal daw kami ng diretso para sa amin, hindi daw kami maririnig ng Dyos. Tapos sabi pa nya bago daw magdasal para sa sarili mo kailangan mo muna ipagdasal yung ibang tao or yung kapwa mo. Mas epektibo daw kasi yung dasal kapag ganun. Tapos ako sinusunod ko lang sya. Hanggang sa nakalakihan ko na, hanggang sa ngayon ganun ginagawa ko. Lagi ako nagdadasal para sa ibang tao.

 Pero alam nyo ba hindi ako mukang pala dasal. Hahaha. Totoo. Tawag nga sa akin ng Lola ko noon demonyita. Kasi salbahe daw ako. Ako daw pinaka salbahe na apo nya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: